Magsasaka dinedo dahil sa tong-its
May 21, 2006 | 12:00am
TALAVERA, Nueva Ecija Pinaniniwalaang alitan sa larong tong-its kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 35-anyos na magsasaka ng kanyang kapitbahay na lalaki sa Barangay Casulucan Este sa bayan ng Talavera, kamakalawa ng umaga. Ang biktimang pinaslang sa bahay na paag-aari ni Edgardo Montecarlo ay nakilalang si Salvador Trelles y Castro, habang nasakote naman ang suspek na si Valdomero Vcaldez y Valentino. Ayon sa ulat ng pulisya, naglalaro ng tong-its ang dalawa nang magkasagutan hanggang sa umabot sa patayan. (Christian Ryan Sta Ana)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang ina ang umako ng kamatayan para sa sariling anak makaraang saluhin nito ang saksak ng patalim ng kanyang pinsang lalaki sa naganap na karahasan sa Barangay Candami, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Socorro Benosa, samantalang tugis ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Albarado ng Barangay San Isidro, Sipocot, Camarines Sur. Napag-alamang nagkaroon nang komprontasyon ang anak na lalaki ng biktima at suspek sa nabanggit na barangay. Tinangkang saksakin ng suspek ang anak ng biktima, subalit inawat ito ni Socorro kaya siya ang tinamaan. (Ed Casulla)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang tauhan ng pulis-Tabaco City ang iniulat na nasawi makaraang aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bombon, Tabaco City, kamakalawa ng gabi. Ang biktimang tinamaan ng bala sa ulo ay nakilalang si PO3 Pedro Eva III. Ayon sa pagsisiyasat, nilinis ng biktima ang sariling baril at habang inaalis ang magazine ay aksidenteng pumutok at tumama sa ulo nito. Napag-alamang maghapong naka-duty ang biktima at umuwi para magpahinga, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaumang ang kalawit ni kamatayan. (Ed Casulla)
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang 57-anyos na trader ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nagbabantay ng sariling tindahan sa Barangay San Francisco, Sta. Catalina, Negros Oriental, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Napuruhan ang biktimang si Gregorio Bacubac matapos ratratin ng mga suspek na nagpanggap na bibili sa tindahan. Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang mga rebeldeng New Peoples Army sa naganap na pamamaslang. (Rose Tamayo-Tesoro)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended