Kinilala ng pulisya ang mag-ama na sina Wilfredo Nicos, 50 at anak nitong si Moises, 20 na kapwa residente ng Barangay Rizal ng naturang siyudad.
Sa naantalang report na tinanggap kahapon ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, ang mag-ama ay na-trapped sa may 249 lalim na hukay simula pa noong Lunes ng umaga at pinaniniwalaang kapwa na-suffocate dahil sa kawalan ng hangin.
Nabatid na ang mag-ama ay kinontrata lamang ni Candido Castor para maghukay sa kanilang compound sa itatayong deep well kung saan ang kasunduan ay 150 talampakan lamang ang huhukayin at kapag lumabas na ang tubig ay babayaran ang mag-ama ng P 6,000.
Gayon pa man, umabot na sa 249 talampakan ang lalim ng hukay ay wala pa ring lumabas na tubig kaya nakulong ang mag-ama.
Sinabi pa sa ulat na umabot ng walong buwan ang paghuhukay ng mag-ama na pinaniniwalaang naunang lumusong ang anak ng matanda sa hukay, subalit hindi na ito umahon hanggang sa sundan ng kaniyang ama kung saan ay kapwa na-trapped sa malalim na balon.
Napag-alamang umabot ang Martes ng hapon kamakalawa ay nabigong mailigtas ang mag-ama ng rescue team na nagresponde sa lugar dahil sa kawalan ng apparatus sa paghinga kung saan humalo ang tubig sa langis sa lupang hinukay.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang naganap na trahedya (Joy Cantos)