Abogado tinodas sa harap ng anak
May 17, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 59-anyos na abogado sa harap ng kanyang anak at kaibigan ng dalawang hindi kilalang lalaki sa isa na namang karahasang naganap sa Sitio San Rafael Barangay Sapang Palay San Jose Del Monte City, Bulacan.
Kinilala ni P/Supt. Sheldon Jacaban, hepe ng provincial intelligence and investigation branch (PIIB), ang biktima na si Rogelio Montero II y Odanga ng Block 58, Lot 1, Maligaya Park Subdivision, Novaliches, Quezon City.
Napag-alamang kabababa lamang ng biktima sa kanyang kotseng Nissan Sentra, kasama ang anak na si Justice Rogelio Montero III at family driver na si Virgilio Alfaro, bandang alas-5 ng hapon para bisitahin ang isang kaibigan sa nabanggit na barangay nang lumapit ang dalawang hindi kilalang lalaki.
Agad na pinutukan ng baril sa ulo si Montero kaya duguang bumulagta, samantalang nakatakbo naman ang anak at drayber patungo sa pinakamalapit na presinto, may ilang metro lamang ang layo sa crime scene.
Kaugnay nito, kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Bulacan chapter sa pangunguna ni Atty. Jose dela Rama Jr., ang pagpatay sa nabanggit na abogado na kasalukuyang nangangalap pa ng impormasyon ang pulisya para matukoy ang motibo.
Nabatid na noong 2005, binaril at napatay si Fiscal Julio Taloma sa bayan ng Meycauayan at noong Linggo naman ay tinambangan at napatay si Dr. Norman Josue, bayaw ni Calumpit Mayor James de Jesus. (Dino balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended