^

Probinsiya

Explosion: 9 katao grabe

-
CAMP CRAME – Siyam katao ang malubhang nasugatan sa magkakahiwalay na insidente ng pagsabog ng dinamita at granada sa Zamboanga, ayon sa ulat kahapon.

Base sa report ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-11:40 ng gabi habang naga-assemble ng improvised na dinamita ang mangingisdang si Arvie Jumah sa Bilang-Bilang 2 Island, Sitio Mulu-Muluan, Brgy. Mercedes, Zamboanga City nang aksidente itong sumabog.

Bunga nito ay nasugatan ang apat katao na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Sa isa pang insidente, bandang ala-1:30 naman ng madaling-araw nang hagisan ng granada ng hindi pa nakilalang tatlong lalaki ang Agora Market sa Brgy. Poblacion, Margosatubig, Zamboanga del Sur na ikinasugat ng lima katao na mabilis na isinugod sa pagamutan. Pinaniniwalaan namang matagal nang alitan sa pagitan ng mga suspek at ng mga biktima ang motibo ng paghahagis ng granada sa mga ito. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGORA MARKET

ARVIE JUMAH

BILANG-BILANG

BRGY

BUNGA

JOY CANTOS

MARGOSATUBIG

POLICE REGIONAL OFFICE

SITIO MULU-MULUAN

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with