^

Probinsiya

‘Akyat-Bahay’ malubha sa pumalag na negosyante

-
CAVITE – Nasa kritikal na kondisyon sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila ang isang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang mabaril ng isang negosyante matapos mahuli sa aktong nagnanakaw sa kanyang trabaho kahapon ng umaga sa bayang ito.

Isang tama ng bala mula sa cal. 45, pistola ang tumama sa kanang dibdib ng sinasabing Akyat Bahay na nakilalang si Joel Bacuit, na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan,

Agad namang nakipag-ugnayan kay P/Chief Insp. Alex Borja, hepe ng Bacoor PNP si Jaime Del Rosario, 42, negosyante, nakatira sa Real Subd. Brgy. Real 1, Bacoor, Cavite, upang magbigay ng pahayag kaugnay sa ginawa niyang pagbaril sa suspek.

Batay sa salaysay ni Del Rosario kay PO3 Joel Malinao, may hawak ng kaso, dakong ala-1 ng umaga habang siya ay natutulog nang maalimpungatan ito sa ingay na narinig sa loob ng kanyang bahay.

Aniya, agad niyang kinuha ang itinatagong cal. 45 pistola na lisensiyado at may permit to carry at isang flashlight at nagsiyasat siya sa loob ng kabayahan.

Nagulat na lang umano si Del Rosario nang bigla siyang salubungin ng saksak ng suspek hanggang sa magpambuno silang dalawa at nang makakuha ng tiyempo ay pinutukan niya ang suspek. (Lolit Yamsuan)

vuukle comment

AKYAT BAHAY

AKYAT-BAHAY GANG

ALEX BORJA

BACOOR

CHIEF INSP

DEL ROSARIO

JAIME DEL ROSARIO

JOEL BACUIT

JOEL MALINAO

LOLIT YAMSUAN

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with