^

Probinsiya

3 mag-uutol minasaker ng ina

-
QUEZON – Malagim na kamatayan ang sinapit ng tatlong mag-uutol makaraang laslasin ang kani-kanilang leeg ng sariling ina bago nag-suicide sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Ilayang Ilasan, Tayabas, Quezon kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Romeo Caranza, police chief ng Tayabas, ang mga paslit na sina Jeremy, 8; Jaypee, 6; at Aira, 3, na pawang may apelyidong Lavado.

Natagpuan naman nakabitin ang ina na si Norma, 44, ng mga residente ng nabanggit na barangay may 15 hanggang 20 kilometro ang layo sa town proper ng naturang bayan.

Batay sa report ng pulis-CALABARZON, halos panawan ng ulirat ang ama ng mga bata na si Godofredo Lavado, 60, isang magsasaka nang madiskubre ang sinapit ng kaniyang mga anak sa kamay ng sariling asawa.

Napag-alamang umuwi ang ama ng mga biktima galing sa kanilang bukirin upang magmeryenda ay nadiskubre ang krimen at nakita pa nitong buhay ang kaniyang misis na nakatulala sa isang sulok at hindi makausap.

Patakbong humingi ng tulong si Godofredo sa kanilang mga kapitbahay, subali’t pagbalik nito ay nakita niyang nakabitin ang kaniyang misis na pinaniniwalaang nakonsiyensya sa ginawang krimen.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay, nakarinig na lamang sila ng mga panaghoy at iyakan ng mga batang nagmamakaawa bandang alas-7 ng umaga. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang kaso.

vuukle comment

AIRA

AYON

BARANGAY ILAYANG ILASAN

BATAY

GODOFREDO

GODOFREDO LAVADO

JAYPEE

ROMEO CARANZA

TAYABAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with