CAVITE Isang 23-anyos na factory worker ang iniulat na nasawi makaraang makuryente habang inaayos nito ang linya ng kuryente sa bubungan ng kanyang boarding house sa Barangay San Juan, General Trias, Cavite kahapon ng umaga. Naisugod pa sa ospital, subalit binawian ng buhay ang biktimang si Mariel Arguelles, manggagawa ng DO 1st MS Philis. PEZA sa bayan ng Rosario, Cavite. Ayon kay PO1 Marites Lagua, bandang alas-10:30 ng umaga nang akyatin ng biktima ang bubungan ng boarding house na pag-aari ni Angelina Balayot para ayusin ang ilang linya ng kuryente, subalit aksidenteng nahawakan ang talop ng linya ng kable at agad itong nangisay bago naisugod sa ospital.
(Cristina Timbang) Mister tinodas sa video karera |
CAVITE Binaril at napatay ang isang 34-anyos na mister ng nakaalitang Muslim sa Barangay Zapote 1 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Ang biktimang tinamaan sa ulo ng bala ng baril ay nakilalang si Jigger Ngo, samantalang tugis ng pulisya ang suspek na si Rex Palapatan, kapwa residente ng nabanggit na barangay. Sa nalakap na impormasyon ni PO3 Dominador Logon Jr., nagkaroon ng alitan ang dalawa sa hindi nabatid na dahilan at tinagkang aregluhin ng biktima, subalit tumanggi ang suspek. Bandang alas-11 ng gabi nang maispatan ng suspek ang biktima na naglalaro ng video karera sa naturang barangay at isinagawa ang krimen.
(Cristina Timbang) BALANGA CITY, Bataan Pinaniniwalaang problemang personal at kawalan ng trabaho ang nag-udyok sa dalawang sibilyan na mag-suicide sa naganap na magkahiwalay na insidente sa Balanga City, kamakalawa. Kinilala ni PO2 John Canare, ang mga biktimang natagpuang nakabitin na sina Rolando Arevalo, 47, binata, ng Barangay Ibayo at Robert Ligon, 54, may-asawa, ng Barangay Pto. Rivas, Balanga City. Ayon sa pulisya, si Arevalo ay natagpuang nakabitin sa likurang bahagi ng kanilang bahay. Samantalang si Ligon ay nagbigti sa loob ng kanilang kuwarto habang nasa simbahan ang kanyang pamilya.
(Jonie Capalaran)