Kolektor sa palengke itinumba
May 3, 2006 | 12:00am
IMUS, Cavite Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng nag-iisang killer ang isang kawani ng Imus Public Market habang sakay ng kanyang traysikel sa Barangay Anabu, Imus, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Efren Castro, hepe ng pulisya sa bayan ng Imus ang biktimang si Antonio Dy, 37, market collector at residente rin ng nabanggit na barangay.
Idineklarang patay sa Dela Salle Hospital si Dy matapos magtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan mula sa calibre 9mm pistol.
Sa ulat, bandang alas-5:30 ng umaga nang patungo na sana si Dy sa kanyang trabaho sakay ng pag-aaring traysikel na may plakang PK-4636 nang bigla siyang pagbabarilin ng isang di-kilalang lalaki sa harap mismo ng pamilihang bayan ng Imus.
Nakaligtas naman ang asawa ni Dy na si Joy na sakay din ng traysikel at nakisabay sa biktima papuntang palengke.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek lulan ng isang Ford Fiera na walang plaka patungo sa di pa malamang direksyon. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest