^

Probinsiya

2 patay sa madugong kasalan

-
BAUAN, Batangas – Nauwi sa madugong selebrasyon ang isang kasalan sa bayan ng Bauan sa Batangas matapos mauwi sa patayan ang mainitang pagtatalo ng magkakamag-anak na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa at pagkasugat naman ng dalawa pa noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Gaudencio Masangkay, hepe ng Bauan PNP ang mga nasawi na sina Jerry Bautista, 44 at bayaw nitong si Florante Marasigan, 49, kapwa residente ng Barangay Manghinaw Uno, sa bayan ng Bauan.

Sugatan naman sina Margarita Bautista, 43 at Miguel Bautista, 49, mga residente din sa nabanggit na barangay at kasalukuyang ginagamot sa Bauan Doctor’s Hospital.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:20 ng gabi, masayang kumakanta sa videoke machine si Jerry habang nagdadaos ng handaan sa katatapos na kasalan nang bigla na lang siyang barilin ng bayaw nitong si Florante matapos ang mainitang pagtatalo.

Kaugnay nito, tinamaan din ng ligaw na bala ang asawa ni Jerry na si Margarita at kapatid nitong si Miguel.

Agad namang sinunggaban ng ibang kaanak ng mga biktima si Florante at napatay din ito matapos maagaw sa kanya ang baril at sa kanya naman ipinutok.

Hindi naman matukoy ng pulisya kung sino ang bumaril kay Florante matapos maagaw ang kanyang baril ng isa sa kanyang mga kaanak.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung sino ang nakapatay kay Florante at masampahan ng kaukulang kaso. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY MANGHINAW UNO

BATANGAS

BAUAN

BAUAN DOCTOR

FLORANTE

FLORANTE MARASIGAN

GAUDENCIO MASANGKAY

JERRY BAUTISTA

MARGARITA BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with