Smut movies nasamsam ng CIDG-CAR
May 1, 2006 | 12:00am
BAGUIO CITY Sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera ang ilang Muslim vendors ng mga bold DVDs at VCDs sa magkakahiwalay na lugar sa siyudad na ito.
Nagulantang ang pinuntiryang Muslim vendors sa mga sidewalk na nagbebenta ng malalaswang panoorin na nagkaroon nang habulan, subalit nakatakas ang mga ito at naiwan ang kanilang mga paninda, dakong alas-7:30 ng gabi noong Sabado sa may Magsaysay Avenue at Session Road, sa pangunguna ni Supt. Danilo Acosta.
Nakumpiska ng mga raiding operatives ang may 243 pirasong mga bold movies ng DVDs at VCDs, na pawang naka-display sa bangketa. Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng Oplan Magdalena at kabilang sa Action Plan Subcommittees on Crimes against Morals ng CIDG.
Ayon kay Senior Supt. Marvin Bolabola, regional director ng CIDG, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga concerned citizens, ukol sa walang pakundangang pagbebenta ng mga bold movies sa bangketa ng ilang Muslim vendors. (Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest