^

Probinsiya

Dalagita ni-rape slay

- Edwin Balasa -
TAYTAY, Rizal – Isang bangkay ng hindi pa kilalang dalagita na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ang natagpuan sa taniman ng melon kamakalawa ng hapon sa Barangay Lupang Arienda, Taytay, Rizal.

Ang biktima na natagpuang walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan ay tinatayang nasa edad 14 hanggang 17-anyos, may taas na 4’7’’, morena, nakasuot ng T-shirt na pula at may kuwintas na pilak at nakapalawit ang pangalang "Rose".

Ayon kay PO2 Elvis Arellano, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong ala-1 ng hapon sa isang taniman ng melon sa kahabaan ng Highway 2000 sa Brgy. Lupang Arienda ng nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na sinakal hanggang sa mapatay ang biktima dahil sa mga marka nito sa leeg. May palatandaang ginahasa muna ang babae bago pinaslang dahil sa bahid ng dugo sa maselang bahagi ng katawan nito.

May teorya ang pulisya na hindi lang nag-iisa ang gumawa ng krimen dahil sa tinamong mga sugat at pasa ng biktima.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LUPANG ARIENDA

BIKTIMA

BRGY

ELVIS ARELLANO

ISANG

LUMALABAS

LUPANG ARIENDA

RIZAL

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with