Ayon sa hepe ng AFP-PIO na si Col. Tristan Kison, ganap na alas-4:15 ng hapon nang lusubin ng mga rebeldeng NPA ang CAFGU detachment ng 61st Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army na matatagpuan sa liblib na lugar ng nabanggit na barangay.
Taliwas sa inaasahan ng mga rebelde ay nakahanda ang 17 CAFGU na nakatalaga nasabing detachment at ilang sundalo na pinamumunuan ni Pfc Renante Samrona na agad sinalubong ang sumalakay na kalabang grupo.
Napag-alamang tumagal ng may 45-minuto ang madugong bakbakan bago nagsiatras ang mga rebelde patungo sa kanlurang direksyon ng nasabing lugar.
Kinilala ang nasawi sa panig ng pamahalaan na si Reniel Garces at ang nasugatan naman ay si Ricardo Salapada na kapwa miyembro ng Citizens Auxiallary Forces Geographical Unit.
Nakilala naman ang nasawing NPA kumander na si Demetrio Cornelio alyas Ka Daddy Dimas, platoon leader ng Larangan Guerilla 1, habang inaalam ang pagkikilanlan ng isa.
Samantalang arestado naman ang dalawa sa mga rebelde matapos makorner ng militar.
Sinabi ni Kison na ang walo pang bangkay ng mga rebelde ay namataan ng mga residente sa lugar habang tangay ng mga nagsitakas nilang kasamahan.
Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang 1-upper receiver ng M16 rifle, 1-granada,1-rifle grenade, 1-M203 round ammunitions, mga bala ng cal . 45 revolver pistol, cal 5.56 MM, 7. 62 MM, mga bala ng M203, Nokia charger, bandila ng CPP/NPA at NDF at 2-backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento. (Joy Cantos)