Computer tech nagpatiwakal

DAET, Camarines Norte – Naaagnas na nang matagpuan ng kanyang kapamilya ang isang computer technician na nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng langka ilang metro lamang ang layo sa kanilang likod bahay sa Purok 2 Brgy. Magang ng nasabing bayan.

Kamakalawa lamang ng umaga nang matagpuan si Nonito Alcantara, 28, simula nang ito ay hindi na makita nitong Abril 20.

Namamaga na ang mukha at sa bigat ng pagkakalambitin sa puno ng langka ay tuluyang bumigay ang nylon cord na ginamit sa pagbigti ni Alcantara.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang pamilya ng kanyang live-in partner sa kagustuhang gawing magarbo ang unang kaarawan ng kanyang unang anak. Dala marahil sa liit ng kanyang kinikita bilang computer technician, dinibdib ito nang husto ng biktima na hinihinalang sanhi ng kanyang pagpapatiwakal. Inaalam pa kung may ‘foul play’ sa insidente. (Francis Elevado)

Show comments