^

Probinsiya

Mag-ina sinunog ni ama

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Pinaniniwalaang pinaslang muna saka sinunog ang mag-ina ng sariling asawa matapos matagpuan ang mga bangkay sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Ultama, Urdaneta City, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ernesto Gandia, ang mga biktima na sina Analyn Talbo, 25, at anak na dalawang taong gulang na si Charlie.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-5 ng umaga matapos na rumesponde ang mga pamatay-sunog ay natupok na ang bahay ng pamilya Talbo.

Hindi naman nabatid ang kinaroroonan ng mister ni Analyn na si Richard matapos na sumiklab ang insidente.

Naniniwala si Gandia na may foul play sa kasong ito dahil ang bangkay ng mag-ina ay magkatabing nakahiga sa kama.

"Karaniwan na kapag may nakukulong ng apoy sa sunog ay ang gumawa ng paraan ang mga biktima na makalabas at hindi ang manatiling nakahiga sa kama," dagdag pa ni Gandia.

Ayon pa kay Gandia, posibleng patay na ang mag-ina ng maganap ang sunog dahil kung buhay pa ang mga ito ay tinangka na ng babae na tumalon sa bintana dahil mababa lamang at wala namang rehas.

Gayon pa man, may narekober rin lighter ang mga arson investigator sa may damuhan ilang metro ang layo mula sa nasunog na bahay.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang asawa ni Analyn upang isailalim sa imbestigasyon sa nangyaring pagkamatay ng kaniyang mag-ina sa sunog na pinaniniwalaang sinadya.

vuukle comment

ANALYN

ANALYN TALBO

AYON

BARANGAY ULTAMA

CHIEF INSP

ERNESTO GANDIA

GANDIA

GAYON

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with