GRO kinatay ng ka-live-in
April 17, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Pinagsasaksak hanggang sa mapaslang ang isang 28-anyos na guest relation officer (GRO) ng kanyang ka-live-in habang ang biktima ay nasa loob ng Jens KTV Bar sa Barangay Inarawan ng nabanggit na lungsod, kahapon ng madaling-araw. Halos lumuwa ang bituka ng biktimang si Jocelyn Nana, samantalang sugatan naman ang umawat na GRO na si Jenny Gaton. Tugis ng pulisya ang suspek na si Jaime Jerente Jr., ng Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal. Ayon kay SPO2 Ernesto Camacho, posibleng matinding selos ang umiral sa suspek laban sa biktima kaya nagawa ang krimen. (Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest