^

Probinsiya

4 mag-iina tusta sa sunog

- Danilo Garcia -
CAMP CRAME – Hindi na umabot ng Semana Santa ang apat na mag-iina na kinalawit ni kamatayan matapos makulong at matusta sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Cuayan, Angeles City, Pampanga, noong Lunes ng gabi.

Natagpuang magkakayakap pa ang bangkay ng mga biktimang sina Nenita Dela Cruz, 28; Sarah, 8; Sheila, 3; at Lea, 2, sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Taug Dike, Purok 3 ng nabanggit na barangay na tinupok ng apoy bandang alas-9:10 ng gabi.

Napag-alamang iniwan ni Nenita ang tatlong anak na paslit na natutulog at bumili ng makakain sa kalapit na tindahan kasama ang anak na si Ciara May.

Ayon sa ulat, ilang sandali ay biglang nagliyab ang bahay ng mga biktima at nakarating naman kay Nenita ang insidente kaya nagmamadaling tinungo ang kanilang tahanan.

Sa pag-aakalang maililigtas ang tatlong anak ay agad na pumasok sa nagliliyab na bahay, subalit hindi na ito nakalabas habang tinutupok ng apoy ang buong kabahayan.

Nakaligtas naman ang anak na si Ciara May na kasalukuyang pinagmamasdan ang kanilang nasusunog na bahay.

May teorya ang pulisya na natabig ang gaserang may sindi ng isa sa biktima na natutulog kaya lumikha ng apoy at naganap ang malagim na insidente.

ANGELES CITY

AYON

BARANGAY CUAYAN

CIARA MAY

NAKALIGTAS

NAPAG

NENITA

NENITA DELA CRUZ

SEMANA SANTA

TAUG DIKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with