Nakasagasa sa ama, tinodas ng piskal
April 9, 2006 | 12:00am
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Dahil sa matinding galit, inilagay ng isang piskal sa kanyang kamay ang batas nang pagbabarilin nito sa loob mismo ng kanyang tanggapan ang isang truck driver na nakasagasa at nakapatay sa kanyang ama kamakalawa sa lungsod na ito.
Kinilala ni P/Supt. Antonio Adawag, hepe ng pulisya rito, ang nasawing biktima na si Jordan Viscara y Coloma, 21, binata ng Brgy. San Agustin ng lungsod na ito. Siya ay nagtamo ng pitong tama ng bala sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Nahaharap naman sa kasong murder ang naarestong suspek na si Fiscal Gerardo Hermogenes, miyembro ng Nueva Ecija Provincial Prosecutors Office.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Mario Pastor, may hawak ng kaso, dakong alas-12 ng tanghali nitong Biyernes nang dumating si Viscara sa City Prosecutors Office sa mismong opisina ni Fiscal Hermogenes kasama ang mga escort na sina SPO4 Sandy Garcia at SPO3 Benjamin Domingo ng Traffic Management Office para sa preliminary investigation ng kasong "reckless driving resulting in homicide" hinggil sa pagkakabundol nito kay Romeo Hermogenes, 70-anyos, ama ng nasabing piskal.
Pero sa gitna nang pagdinig, napag-alaman ni Fiscal Hermogenes na si Viscara ang driver ng truck na nakasagasa sa ama kayat agad na nagdilim ang paningin nito at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima nang malapitan.
Maging ang mga pulis na nagdala kay Viscara ay nagulat sa marahas na aksyon ng piskal kung kaya wala silang nagawa nang ratratin nito ng bala ang nasabing suspek sa vehicular accident.
Nakarekober ang pulisya ng pitong basyo ng bala ng kalibre .45 pistol colt, 2 slugs, 1 basyong magazine, 1 black holster, at isang pares ng tsinelas ng biktima.
Nauna rito, napag-alaman na noong Huwebes ng hapon, aksidenteng nabundol ni Viscara habang minamaneho nito isang 6-wheeler truck (UTU-830) ang matandang Hermogenes na nagmamaneho naman ng isang scooter (FM-4830). Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan ang matanda at namatay habang ginagamot sa University of Sto. Tomas Hospital sa Maynila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest