Lider ng Bayan Muna niratrat, grabe
April 8, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Nakikipagbuno kay kamatayan ang isang 31-anyos na lider ng grupong Bayan Muna makaraang pagbabarilin ng nag-iisang lalaki habang ito ay nagsasalita sa isinagawang kilos-protesta kamakalawa ng hapon sa harapan ng Central Bus Terminal II sa Barangay Triangulo, Naga City, Camarines Norte.
Kasalukuyang ginagamot sa Bicol Medical Center dahil sa anim na tama ng bala ng baril ang biktimang si Nicanor Briones na miyembro rin ng Federation Of Sugar Workers at residente ng Barangay Kilantaao, Sangay, Camarines Sur.
Ganap na alas-2:25 ng hapon nang lapitan ang biktima ng nag-iisang suspek at sunud-sunod na paputukan ng baril sa katawan na naging dahilan para magpulasan ang iba pang sibilyan sa takot na taman ng ligaw na bala.
Palakad na lumayo ang lalaki na may hawak pa ng baril at umangkas sa motorsiklong walang plaka na naghihintay sa di-kalayuan.
Nagsagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente na ilan lamang sa kaso ng pamamaril laban sa mga militanteng grupo ang kasalukuyang hindi pa nareresolba. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest