^

Probinsiya

Lider ng mga kidnaper, timbog

-
CAMP CRAME – Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang isang notoryus na lider ng kidnap-for-ransom (KFR) gang na may patong sa ulong P.2-milyon sa isinagawang operasyon sa bayan ng San Pedro, Laguna, ayon sa mga opisyal kahapon. Sa ulat ni P/Chief Supt. Prospero Noble, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) regional director, kinilala ang suspek na si Marlon Cortez, na nasakote sa kanyang pinagkukutaan sa Barangay Nueva ng nabanggit na bayan, ganap na alas-6:30 ng gabi. Sa rekord ng pulisya, ang grupo ni Cortez ay sangkot sa pagdukot sa isang mayamang negosyanteng babae at anak nitong lalaki sa Calapan City, Oriental Mindoro noong 2001 at hinihingan ng P 5 milyong ransom kapalit ng kanilang kalayaan. Nagpapatuloy naman ang pagtugis laban sa dalawang kasamahan ni Cortez na sina Alex Flores at Christopher Oquindo. (Joy Cantos at Ed Amoroso)
72-anyos na lolo natusta
LUCENA CITY – Isang 72-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang makulong sa sariling bahay na nasusunog sa St. Christopher Subdivision sa Barangay 9 sa nabanggit na lungsod, kahapon ng madaling-araw. Ang biktimang may karamdaman kaya hindi kaagad nakalabas ng kanyang bahay ay nakilalang si Eleuterio Perez. Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Chief Insp. Nelson Jalbuena, Lucena City Fire Marshall, naitala ang sunog dakong alauna y kinse ng madaling-araw sa mismong bahay ng biktima kung saan ito ay nag-iisang naninirahan. Napag-alamang tinangkang pasukin ang biktima ng kanyang mga kapitbahay upang iligtas, subalit nakasarado ang pintuan kung kaya’t kasamang nasunog. Naapula ang apoy dakong alas-2:00 na ng madaling-araw at halos uling na ang biktima ng marekober ng mga awtoridad. (Tony Sandoval)
2-katao patay sa karahasan
LEGAZPI CITY – Dalawang kalalakihan ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Claveria at Uson, Masbate kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na biktimang sina Zandy Rom, 27, ng Daet, Camarines Norte at Alfredo Rualdo Jr., 21, ng Barangay Poblacion, Uson, Masbate. Sa ulat ng pulisya, si Rom ay pinagbabaril ng mag-utol na suspek na sina Sonny at Reting Tunaco habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa Barangay Plaza sa bayan ng San Ramon, Claveria, Masbate. Samantala, ang biktimang si Rualdo Jr. ay pinagtulungang saksakin ng mga suspek na sina Roy Capili at Francis Balmes sa loob ng hayskul na sakop ng Barangay Sto. Cristo, Uson, Masbate. Napag-alamang umawat sa away ang biktima na ikinagalit ng mga suspek hanggang sa maganap ang krimen. Tugis ng pulisya ang mga suspek. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALEX FLORES

ALFREDO RUALDO JR.

BARANGAY NUEVA

BARANGAY PLAZA

BARANGAY POBLACION

BARANGAY STO

MASBATE

USON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with