^

Probinsiya

2 alalay todas; mayor, 2 pa grabe sa ambush

-
CAMP CRAME – Dalawang security escort ang nasawi, habang sugatan naman ang tatlong iba pa kabilang ang target na alkalde matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. Poblacion II, Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Bacolod-Kalawi Mayor Nowain Alawi Dipatuan, Kilala Pangilaan, 55, dating empleyado ng Department of Education (DepED) na isa sa mga security escort ng alkalde at kaibigan nitong negosyanteng si Monto Pangilaan.

Hindi naman natukoy sa ulat ang mga pangalan ng nasawing security escort sa naganap na karahasan na natukoy na kagagawan mismo ng kamag-anak ng alkalde na sina Diarangan Dipatuan at mga kapanalig nito.

Nabatid na si Mayor Dipatuan, kasama ang escort na sina PO3 Salic Natangcop ng 3rd Company ng 15th Regional Mobile Group (RMG) at Kilala ay patungo sa mosque lulan ng Toyota Revo (KDA- 267 ) nang tambangan ng mga armadong lalaki.

Sa nasabing insidente ay nagtamo ang alkalde ng tama ng bala sa kanang bahagi ng hita at ulo habang ang dalawa pang nabanggit na sugatan ay sa iba’t ibang bahagi ng katawan at Sanitarium Hospital sa Iligan City.

Pinaniniwalaang clan war ang isa sa ugat ng pananambang habang patuloy ang imbestigasyon. (Joy Cantos)

BACOLOD-KALAWI MAYOR NOWAIN ALAWI DIPATUAN

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIARANGAN DIPATUAN

ILIGAN CITY

JOY CANTOS

KILALA PANGILAAN

MAYOR DIPATUAN

MONTO PANGILAAN

REGIONAL MOBILE GROUP

SALIC NATANGCOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with