Dalagita ni-rape ng 3 TMG
April 2, 2006 | 12:00am
NAGA CITY, Camarines Norte Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak at makulong ang tatlong tauhan ng PNP-Traffic Management Group makaraang ipagharap ng reklamong panggagahasa ng isang 14-anyos na dalagita na naganap sa lumang opisina ng TMG sa Barangay Concepcion Grande ng nasabing lungsod.
Maliban sa kasong rape na isinampa sa opisina ni Prosecutor Romeo Tayo noong March 24, 2006, ipinag-utos din ni TMG Chief Director General Errol Pan kay P/Senior Supt. Rudie Valoria, TMG regional director, ang kasong administratibo laban sa tatlong suspek na sina PO2 Edgar Regidor C. Miguel, PO2 Joey G. Dorgay at isang hindi nakikilala .
Batay sa salaysay ng biktima sa NBI-Naga sa pamumuno ni acting NBI regional director Lauro Reyes, naganap ang pang aabuso laban sa biktimang waitress sa Diana Videoke Bar noong Pebrero 23, 2006 matapos na utusan ng may-ari ng bar na singilin ang ilang miyembro ng TMG sa kanilang utang sa beerhouse.
Pagsapit ng biktima sa lumang opisina ng TMG, naaaktuhan nito na nanonood ng porno ang tatlong suspek at dala marahil ng labis na epekto ng kanilang pinapanood, napagbalingan na gawan ng kahalayan ang biktima na naganap bandang alas-3:00 ng hapon, ayon pa sa ulat.
Nabatid pa na tatlong beses na inimbitahan ng NBI-Naga ang mga suspek, subalit hindi sumipot sa pagtawag na naging dahilan upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 1716 (child abuse).
Ang mga suspek ay sinasabing nagtatago matapos na ipagharap ng reklamo ng biktima. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest