^

Probinsiya

2 babae tugis sa Sulu bombing

-
CAMP CRAME – Dalawang teroristang babae na pinaniniwalaang "mujahiden" o Muslim warrior ang tinutugis ngayon ng mga awtoridad matapos na iturong naglagay ng sumabog na bomba sa isang kooperatiba sa Jolo, Sulu na kumitil ng buhay ng siyam-katao habang 24 pa ang nasugatan noong Lunes, Marso 27.

Batay sa ulat na tinanggap ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, ang dalawang babae na nag-iwan ng itim na bag ay naglalaman ng pampasabog sa baggage counter ng Sulu Multi-Purpose Cooperative.

Nauna nang napaulat na gagamit ng mga mujahiden ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa kanilang bantang pambobomba sa Mindanao upang madaling malusutan ang mga awtoridad.

Ang mga Muslim warrior ay mga asawa at kapamilya ng mga teroristang Abu Sayyaf na sinanay ng ilang bomb expert sa paglulunsad ng bomb attack.

Napag-alaman ng mga awtoridad, matapos na pumasok sa grocery store ang dalawa, sinasabing mabilis na tumalilis patungo sa hindi pa mabatid na direksyon matapos abandonahin ang nasabing bag.

Nabatid din na isasailalim sana ng mga security guard sa pagsusuri ang bag, pero bigla na lamang itong sumabog na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

Sa kasalukuyan, kinukunan na ng testimonya ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang ilang pasahero partikular na ang drayber at konduktor ng bus para mailabas ang cartographic sketches ng dalawang babae. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BATAY

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DALAWANG

JOLO

JOY CANTOS

SULU MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with