Lider ng holdap gang dedo sa shootout
April 1, 2006 | 12:00am
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija Bulagta ang isang lider ng notoryus na robbery/holdup gang habang isa pa ang nasugatan makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahagi ng Barangay Ibabao-Bana, Talavera, Nueva Ecija, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Chief Supt. Jesus Verzosa, director ng CIDG, ang napatay na gang lider na si Edwin Labrador, habang sugatan naman ang isa pa na nakilalang si Fer Mallari ng Barangay Mambangan, San Leonardo, Nueva Ecija na ngayon ay ginagamot sa Dr. Paulino J. Garcia memorial Hospital.
Tugis naman ng mga awtoridad ang isa sa dalawa pang nakatakas na kasapi ng naturang gang.
Sa ulat ni P/Supt. Ferdinand Vero, hepe ng CIDG-Nueva Ecija kay Verzosa, bandang alas- 3:45 ng madaling-araw nang makasagupa ng pinagsanib na elemento ng CIDG at Nueva Ecija Provincial Police Office ang grupo ni Labrador na sakay ng Besta van na may plakang WUF349.
Narekober sa loob ng van na ginamit ng mga suspek ay 2 granada, apat na bonnet, isang sombrero, isang bolo, isang vicinity map, 18- karatula ng mga biyahe sa ibat ibang lugar sa Luzon, 3 malalakas na kalibre ng baril at mga bala at magazine nito.
Ayon kay P/Chief Inspector Cresencio De Asis, pinuno ng Nueva Ecija Crime lab Office, sa pagsusuri nila sa mga gamit ng suspek ay posibleng ginagamit ang van sa pamamasada dahil sa mga karatula na nakapaskel na going to Gapan City, Dagupan, Solano, Cabanatuan City, Vito Cruz, Santiago City, Tabuk, Roxas, Banawe, Baguio City at iba pa.
Ang naturang van na ginamit ng mga suspek ay nakarehistro sa pangalan ng isang Criselda Negranza ng #176 Iba St., La Loma, Quezon City na inisyu sa East Avenue, Quezon City.
Nabatid na si Labrador ang lider ng Dangal Group na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay kina Wesley Custodio noong Enero 2006; PO3 Renato Ablog noong Mayo 2005 sa Cabanatuan City; hijacking ng isang van na naglalaman ng P100,000 kargamento; store collection na umaabot sa halagang P130,000 at carjacking ng isang Toyota Vios na may plakang CTH -325 na pawang naganap sa Nueva Ecija at Nueva Vizcaya. (Christian Ryan Sta Ana at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest