^

Probinsiya

Barangay captain kinatay ng katiwala

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na barangay captain ng isang katiwala sa hacienda matapos na magtalo ang dalawa sa bayan ng Alcantara sa Romblon, kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Supt. Delfin Genio, Region 4-B police director ang biktimang si Andres Romero, barangay captain at residente ng Barangay Calagonsao sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng pulisya, nagalit ang katiwalang si Edison Maning, 31, matapos magputol ng mga punong-kahoy ang biktima kasama pa ang tatlong sibilyan na hindi man lang nagpapaalam.

Pinuntahan ni Maning ang barangay captain upang sitahin sa ginawang pagpuputol ng punong-kahoy sa lupain na pag-aari ng kanyang among si Perla Gaytano na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Habang nasa gitna ng pagtatalo ay walang habas na pinagtataga ng suspek si Romero at napatay.

Naaresto naman si Maning matapos ang insidente at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ANDRES ROMERO

ARNELL OZAETA

BARANGAY CALAGONSAO

CHIEF SUPT

DELFIN GENIO

EDISON MANING

HABANG

KINILALA

NAARESTO

PERLA GAYTANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with