^

Probinsiya

Bomb expert ng Sayyaf tugis sa Sulu bombing

-
CAMP CRAME – Malawakang manhunt operations ang isinasagawa ngayon ng mga awtoridad laban sa isang bomb expert ng Abu Sayyaf na pinaniniwalaang responsable sa malagim na pambobomba sa isang kooperatiba sa Jolo, Sulu na kumitil ng buhay ng siyam-katao habang 24 pa ang nasugatan noong Lunes ng umaga.

Base sa ulat na tinanggap ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, kinilala ang pinaghahanap na Abu Sayyaf bomb expert na si Abu Abdulgawey, isang demolition team leader ng bandidong grupo.

Ang grupo ni Abdulgawey ay pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapasabog sa bomba na itinanim sa baggage counter ng Sulu Consumers Cooperative, Inc. na matatagpuan sa kahabaan ng Sanchez, Barangay Walled.

Napag-alaman na si Abdulgawey ang lumagda sa extortion letter na ipinadala sa may-ari ng kooperatiba na humihingi ng malaking halaga bilang protection money at kung hindi ay pasasabugin ang nasabing establisimyento.

Ayon pa sa ulat, sakaling matunton ang pinagkukutaan ni Abdulgawey at ang courier ng extortion letter ay mareresolba kaagad ang Jolo bombing noong Lunes, Marso 27.

Samantalang nakasulat sa extortion letter ang dalawang celfone numbers na 09203468834 at 09066713266 kung saan dito tawagan ang mga suspek para sa kaligtasan at negosasyon ng mga store owners para sa hinihinging extortion money ng grupo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa malagim na pambobomba. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABDULGAWEY

ABU ABDULGAWEY

ABU SAYYAF

AYON

BARANGAY WALLED

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

JOLO

JOY CANTOS

MALAWAKANG

SULU CONSUMERS COOPERATIVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with