^

Probinsiya

‘Rapist’ pumalag sa pulis, todas

-
DIADI, Nueva Vizcaya – Isang dating sundalo ng Phil. Army na may kasong rape ang nabaril at napatay ng tauhan ng pulisya makaraang manlaban at tumangging sumuko sa mga awtoridad sa Barangay Escoting ng bayang nabanggit, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Rodolfo "Rudy" Manghi na pinasusuko nina PO3 Lloyd Lagasca, PO2 Renel Lungod at PO2 Rodrigo Guieb, subalit nanlaban kaya binaril at napatay. Ayon kay P/Senior Supt. Rogelio Damazo, provincial director, nagtungo sa bahay ang tatlong pulis upang isilbi kay Manghi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Dionisio Buduhan ng Lagawe, Ifugao Regional Trial Court sa kasong rape. Sa halip na sumuko ay kumuha ng itak si Manghi at tinangkang tagain ang isa sa tatlong pulis kaya napilitang barilin ng isa sa tatlong pulis. Isinugod sa ospital si Manghi, subalit idineklarang patay, samantalang isinailalim na sa imbestigasyon ang nakabaril na pulis. (Victor Martin)

vuukle comment

BARANGAY ESCOTING

IFUGAO REGIONAL TRIAL COURT

JUDGE DIONISIO BUDUHAN

LLOYD LAGASCA

MANGHI

NUEVA VIZCAYA

RENEL LUNGOD

RODRIGO GUIEB

ROGELIO DAMAZO

SENIOR SUPT

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with