Intel officer ng pulis, nilikida
March 22, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang police intelligence officer sa bayan ng Ragay ang iniulat na pinaslang matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa bahagi ng Barangay Poblacion Iraya, Ragay, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si SPO1 Edgar Lambarte na niratrat dakong alas-7:30 ng gabi habang nakatayo sa terminal ng bus sa nabanggit na barangay. Ayon sa ulat tinangay ng mga rebelde ang service firearm ng biktima maging ang pitaka nito bago tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Lower, Sta Cruz ng nasabing bayan. Posibleng natunugan ng mga rebelde na may minomonitor ang biktima sa nasabing lugar kaya isinagawa ang paglikida. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended