^

Probinsiya

Kontratista ng alkalde, itinumba

-
CAVITE – Binaril at napatay ang isang 43-anyos na trader ng isang malapit na kaanak ng alkalde sa naganap na namang karahasan sa Barangay Malagasang 1-C, Imus, Cavite noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo na si Edgardo "Owen" Reyes, may-ari ng Jetti Gas Station sa Barangay Bucandala at naninirahan sa # 494 Barangay Malagasang 1-C, Imus Cavite. Napag-alamang si Reyes ay kontratista ng alkalde sa bayan ng Imus.

Positibong kinilala ng mga nakasaksi sa krimen ang suspek na si Jeffry "Jepoy" Saquilayan, 30, malapit na kaanak ni Imus Mayor Homer Saquilayan at nakatira sa Barangay Malagasang 2-B Imus , Cavite.

Ayon kay P/Supt. Efren B. Castro, hepe ng pulisya sa bayan ng Imus, ang biktima ay utol ni Larry Reyes, hepe ng Civil Security Unit ng alkalde.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PO1 Johnny C. Nuñez, naitala ang krimen bandang alas-9:45 ng umaga habang nakatayo ang biktima sa tapat ng talyer na pag-aari nito.

Napag-alamang naglakas-loob na hinabol ni Victor Dela Torre, sakay ng motorsiklo ang suspek, pero agad siyang binaril at tinamaan sa kamay kaya sumemplang ang kanyang motorsiklo.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pa rin malinaw na motibong maibigay ang pulisya maliban sa sinasabing matandang alitan at matinding inggit sa biktima. (Cristina Timbang At Lolit Yamsuan)

B IMUS

BARANGAY BUCANDALA

BARANGAY MALAGASANG

CAVITE

CIVIL SECURITY UNIT

CRISTINA TIMBANG AT LOLIT YAMSUAN

EFREN B

IMUS CAVITE

IMUS MAYOR HOMER SAQUILAYAN

JETTI GAS STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with