14-anyos ginahasa, tsinap-chop
March 20, 2006 | 12:00am
CARMONA, Cavite Karumal-dumal ang sinapit ng isang 14-anyos na estudyanteng babae na posibleng hinalay muna ng mga drug addicts bago pinagputol-putol ang katawan at isinilid sa isang kahon kahapon ng umaga sa bayang ito.
Kinilala ni SPO3 Zacarias Ballader, may hawak ng kaso ang biktimang si Rechzel Ramirez, 3rd year student ng Carmona National High School at nakatira sa Phase 2, Bgy. Milagrosa, nasabing bayan.
Base sa report, dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ng isang guwardiya ang putol-putol na katawan ng biktima sa Market Rd., Brgy. Maduya, nasabing bayan. Inilarawan nito na pinaghati-hati ang katawan mula pusod hanggang tuhod habang ang kamay at paa nito ay nakatali at nakabalot sa isang plastik.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng hapon kamakalawa ay inutusan pa ang biktima ng mga magulang nito na sina Juanito Ramirez at Susana na bumili ng yelo sa tindahan pero hindi na ito nakauwi pa sa kanilang bahay.
Dala ng kaba sa dibdib nagtungo ang mag-asawang Juanito at Susana sa himpilan ng pulisya upang ipagbigay-alam ang pagkawala ng anak.
Kinabukasan nakarating ang balita sa mag-asawa na may isang bangkay ng babae ang natagpuan sa nasabing lugar at nang tunguhin ang lugar ay positibong kinilala na ito ang hinahanap nilang anak.
May teorya ang pulisya na noong oras na utusan ang biktima na bumili ng yelo ay posibleng niyaya ito ng ilang kaibigan dahil disperas ng fiesta sa kanilang lugar at posibleng kinursunada ng mga kabataang adik sa illegal na droga. (Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended