^

Probinsiya

3-katao timbog sa pot session

-
LUCENA CITY — Tatlong kalalakihan ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang maaktuhan sa pot session sa bahagi ng Purok Milagros, Capitol Homesite sa Barangay Cotta ng nabanggit na lungsod, kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Joy Paglicawan, 29, drayber; Avelino Rama, 45, konduktor ng Tayabas, Quezon at Lexter Keith Ramos, 25, ng Barangay Wakas, Tayabas, Quezon. Nakumpiska sa mga suspek ang pitong piraso ng transparent plastic sachet na kinalalagyan ng shabu residue na hindi pa alam ang dami at mga drug paraphernalia. Ayon kay P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, police chief ng Lucena City, ang pagkakadakip sa tatlo ay bunsod ng impormasyong ibinigay ng isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap na pot session sa naturang lugar. (Tony Sandoval)
Rapist nasakote sa Cavite
CAVITE — Kalaboso ang kinabagsakan ng isang 31-anyos na lalaki makaraang makumpiskahan ng baril ng pulisya at nadiskubreng may nakabinbing kaso ng rape sa Barangay Burol 3, Dasmariñas, Cavite kahapon. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek na si Bonifacio Banay Banay ng Block 4 Lot 13 Windsor Subd. sa nabanggit na barangay. Bukod sa nakumpiskang 9mm baril sa suspek ay nahaharap pa sa kasong rape na isinampa ng 18-anyos na babaeng katulong sa nabanggit na bayan noong Marso 8, 2006. Ang pagkakadakip sa suspek ay bunsod ng search warrant ni Judge Norberto Quisimbing Jr ng Imus Regional Trial Court Branch 21. (Cristina Timbang)
Mister tinodas sa shop
CAVITE — Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 30-anyos na mister ng dalawang kalalakihan makaraang magtalo sa loob ng tindahan sa Barangay Banalo, Bacoor, Cavite, kamakalawa ng gabi. Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Rogelio Espina 30, ng Barangay Mabolo 3 ng bayang nabanggit. Tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Rodel Cornejo at Jonic Lagatic, kapwa empleyado ng Pauls Gift Shop sa nabanggit na lugar. Sa pagsisiyasat ni PO1 Roman Sinning, naitala ang krimen dakong alas-11 ng gabi nang pumasok sa loob ng shop ang biktima kung saan nagtatrabaho ang mga suspek. Sa hindi nabatid na dahilan ay nagkaroon ng kaguluhan sa nabanggit na lugar at pinagtulungang saksakin ang biktima na ikinasawi nito. (Cristina Timbang)
2 kawatan nasakote
STA. MARIA, Bulacan — Dalawang kalalakihan ang dinakip ng pulisya makaraang looban ang sangay ng pinakamayamang kooperatiba sa Km 38 sa Barangay Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Jay Mark Canoy, 30, tubong Cotabato City at Carlos Noyad, 28, tubong Bacolod City at kapwa naninirahan sa Barangay Guyong sa bayang nabanggit. Sa ulat, ang mga suspek ay nakapasok at nagtangkang magnakaw sa St. Martin of Tours Credit Development Corporation, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napindot ng isa sa suspek ang alarma, kaya nakatawag ng pansin sa mga barangay tanod at pulis hanggang sa madakip matapos ang ilang oras na negosasyon. (Dino Balabo)

AVELINO RAMA

BACOLOD CITY

BARANGAY

BARANGAY BANALO

BARANGAY BUROL

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with