Ex-barangay chairman itinumba

CAVITE – Isang 54-anyos na ex-barangay chairman ang iniulat na nasawi, habang nasa kritikal na kalagayan ang anak nito makaraang pagbabarilin ng kaalitan sa loob ng videoke bar sa Barangay Anabu 2 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay sa University Medical Center ang biktimang si Danilo Olivarez, samantalang ginagamot naman ang anak nitong si Edwin, 30, kapwa naninirahan sa Barangay Malagasang 2-A, Imus, Cavite. Tugis ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Saquilayan, 30, ng Barangay Malagasang 2-B. Ayon kay PO1 Randy Dela Rea, naganap ang krimen dakong alas-7 ng gabi sa Kubo Grill and Videoke Bar kung saan dumalo ng birthday party ang mag-ama. (Lolit Yamsuan)

Show comments