Konsehal itinumba sa eskuwelahan
March 11, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang konsehal na miyembro Sangguniang Bayan sa harapan ng isang eskuwelahan sa Bantay, Ilocos Sur kamakalawa ng hapon.
Binistay ng bala ng baril at hindi na umbaot ng buhay sa Vigan Cooperative Hospital ang biktimang si Paul Lucero, kilalang opposition councilor sa bayang nabanggit.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, inihatid ng biktima ang kanyang asawa sa West Central School sa Zone 5 at kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan nang biglang lumapit ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril ang pinawalan ng mga killer at duguang bumulagta ang biktima.
Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng baril mula sa mga suspek na tumakas sakay ng motorsiklo matapos na isagawa ang krimen.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong pulitika ang isa sa motibo ng krimen at posibleng bayarang mamamatay-tao ang pumatay sa biktima. (Myds Supnad At Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 40 minutes ago
By Victor Martin | 40 minutes ago
By Omar Padilla | 40 minutes ago
Recommended