^

Probinsiya

Killer ng estudyante, nasakote

-
MEYCAUAYAN, Bulacan – Isang 32-anyos na negosyante ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya sa bayan ng Meycauayan, Bulacan, matapos na mabaril at mapatay ang isang menor-de-edad na estudyante sa isang videoke bar noong Martes, (Marso 7).

Kinilala ni P/Supt. Fernando Villanueva, hepe ng pulisya ng bayang nabanggit ang suspek na si Kirk John Boiser ng Tierra Nova II, Bagumbong, Caloocan City.

Ayon sa pulisya, si Boiser ay itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay kay Francis Albert Hafalla,15, ng Pieces Street, Phase 3, Sto. Niño Subdivision sa Barangay Perez ng nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, magkahiwalay na umiinom ng alak sa OTB 2610 Videoke Bar ang dalawa noong Martes ng madaling-araw.

Napag-alamang hiniram ni Boiser ang song book ng videoke kay Hafalla, subalit nagalit ang biktima hanggang sa magtalo ang dalawa saka muling nagbalik ng kanyang mesa ang suspek.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay muling tumayo at lumapit ang suspek sa biktimang kumakanta at walang sabi-sabing pinaputukan ng baril sa ulo na ikinamatay ng estudyante.

Agad na sumakay sa kanyang kotseng Mitsubishi Lancer na may plakang PFH 895 ang suspek at tumakas.

Si Boiser ay naaresto matapos beripikahin ng pulisya ang plaka ng kotse nito sa Land Transportation Office (LTO) at halos tatlong oras din nakipagnegosasyon sa pamilya ng suspek bago ito tuluyang sumuko.

Sa pagsuko ng suspek, inamin nito na siya ang bumaril at nakapatay sa biktima, subalit sinabing lasing siya at hindi alam ang ginagawa.

Pormal na sinampahan ang suspek ng kasong murder at kasalukuyang nakakulong sa panglalawigang piitan sa Malolos. (Dino Balabo)

BARANGAY PEREZ

BOISER

BULACAN

CALOOCAN CITY

DINO BALABO

FERNANDO VILLANUEVA

FRANCIS ALBERT HAFALLA

KIRK JOHN BOISER

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with