^

Probinsiya

Milyong ari-arian sa palengke, tinupok ng apoy

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Umaabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang palengke sa bayan ng Candaba, Pampanga, kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Jovencio Flores, hepe ng pulisya sa bayan ng Candaba, nasunog ang dalawang bahagi ng palengke at ilang oras din ang itinagal bago naapula ang apoy ng mga pamatay-sunog mula sa bayan ng Sta. Ana, Mexico, Arayat at San Fernando City.

Posibleng may nag-init na linya ng kuryente sa loob ng nabanggit na lugar kaya nagsimula ang apoy hanggang sa kumalat sa ibang tindahan.

Hindi naman mapigil ang ilang kalalakihan na mangulimbat ng mga paninda habang nasusunog ang palengke.

Agad naman ipinag-utos ni Mayor Jerry Pelayo sa mga tauhan ng engineering office, ang pagpapagawa ng palengke partikular na ang mga naapektuhang tindahan. (Resty Salvador)

ARAYAT

CANDABA

CHIEF INSP

JOVENCIO FLORES

MAYOR JERRY PELAYO

PAMPANGA

POSIBLENG

RESTY SALVADOR

SAN FERNANDO CITY

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with