^

Probinsiya

Ika-3 barangay chairman nilikida

- Dino Balabo -
SAN MIGUEL, Bulacan – Pinagbabaril hanggang mapatay ang isang kapitan ng barangay ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan sa naganap na namang karahasan bayan ng San Miguel, Bulacan, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jessie Velayo, 32, kapitan ng Barangay Lambakin sa bayang nabanggit.

Nabatid na si Velayo ay ikatlo sa mga opisyal ng barangay sa bayan ng San Miguel ang pinatay simula noong mapaslang si Alex de Leon, dating kapitan ng Barangay San Jose noong Disyembre 31, at Ernesto Catiis, dating kapitan ng Barangay Bulualto noong Enero 2, 2006.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Velayo ay nakasakay sa barangay patrol van nang pagbabarilin bandang alas-6 ng umaga.

Ayon pa sa ulat, hinihintay ni Velayo na sumakay sa van si Vicente delos Santos, principal ng Lambakin Elementary School dahil sasamahan niya ito sa bahay ni Bokal Ernesto Sulit na kanilang kababayan upang kunin ang mga materyales na idinonasyon ni Pangulong Arroyo para sa paaralan.

Subalit, bago sumakay ng van si Delos Santos, napansin niya ang dalawang motorsiklo na may sakay na tig-dalawang lalaki na pasalubong sa kanila.

Tumigil ang isang motorsiklo ilang metro ang layo sa van, samantalang ang isa ay lumampas at huminto sa likuran hanggang sa bumaba ang dalawang lalaki mula sa motorsiklong huminto sa likuran ng van at naglakad palapit sa kanila.

Napag-alamang pinalayo ng isa sa mga suspek si Delos Santos, samantalang ang ikalawa naman ay simulang pagbabarilin ang biktima na noo’y nasa manibela ng van.

Sampung bala ng baril sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang ikinasawi ni Velayo, samantalang si Delos Santos naman at ang kanyang dalawang anak na kasakay sa van ay hindi nasaktan.

Ang pagpatay kay Velayo ay naghatid naman ng takot sa mga residente ng San Migue dahil halos dalawang buwan pa lang ang nakalipas matapos patayin sina De leon at Catiis na mga kaibigan ni Velayo.

Matapos patayin si Catiis noong Enero 2, kumalat ang balita na may susunod pang papatayin, at ito naman ay nakumpirma nang patayin si Velayo kahapon. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY BULUALTO

BARANGAY LAMBAKIN

BARANGAY SAN JOSE

BOKAL ERNESTO SULIT

BULACAN

CATIIS

DELOS SANTOS

ENERO

SAN MIGUEL

VELAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with