Barangay treasurer nilikida
March 2, 2006 | 12:00am
BOTOLAN, Zambales Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay treasurer ng mga hindi kilalang lalaki na ikinasugat ng kanyang utol sa naganap na karahasan sa Barangay Santiago sa bayan ng Botolan, Zambales kamakalawa.
Kinilala ni P/Inspector Ramon Aquino ang biktimang nasawi na si Vinnie Famanila, samantala ang nakababatang kapatid nito na si Totoy Famanila ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan na ngayon ay ginagamot sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales.
Napag-alamang naghahapunan ang biktima kasama ang sariling pamilya, nang biglang dumating ang mga maskaradong kalalakihang sakay ng mga motorsiklo.
Agad na pumasok ang mga armadong kalalakihan sa bahay ng biktima at sunud-sunod na pinaputukan ng baril saka mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Wala namang nakakuha ng plate number ng motorsiklo ng mga killer dahil sa takot ng mga kapitbahay na madamay sa naganap na karahasan.
Wala pang malinaw na motibo ang nasisilip ang pulisya sa pagkakapaslang sa biktima na pinaniniwalaang may matinding gamit ang mga suspek. (Fred Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am