Lola nahagip ng trike, dedo

NUEVA ECIJA – Isang 60-anyos na lola ang iniulat na nasawi makaraang masagasaan ng traysikel sa kahabaan ng Rizal-Pantabangan Road sa Barangay Cabucbucan sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Binawian ng buhay sa Dr. Orlando Bautista Medical Clinic ang biktimang si Adoracion Gabuslay y Franada ng Barangay San Gregorio, habang boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang drayber ng traysikel na si Wilfredo Antonio, 61, ng Barangay Estrella. Nabatid na tumawid ang biktima sa nasabing kalsada at sa hindi nabatid na dahilan ay nadundol ng traysikel. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments