^

Probinsiya

Aussie natigok sa tabi ng live-in partner

-
CAMP CRAME – Isang Australian national ang di namalayan ng kanyang live-in partner na wala nang buhay matapos na magkasabay na matulog sa kanilang kuwarto sa Pampanga, inulat ng PNP headquarters kahapon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame. Ang biktima ay nakilalang isang Bruse Meechan y Gordon, 39, turista at pansamantalang nakatira sa Room 8, Heaven Bar, Koskosmos na nasa Fields Avenue, kanto ng A. Santos St., Brgy. Balibago, Angeles City.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nadiskubre na patay na ang dayuhan nang maalimpungatan ang live-in partner nitong si Marilyn Guevarra, 18 habang magkatabi ang mga ito na natutulog sa inuupahang unit sa nabanggit na lugar.

Sa salaysay ni Guevarra, magkasama pang natulog sa kanilang kuwarto ang dalawa at nang gumising ang una ganap na ala-1 ng madaling-araw ay nakita nitong hindi na kumikilos ang kanyang partner.

Dahil dito, agad umanong inireport ni Guevarra sa pulisya ang pangyayari at agad na dinala ang dayuhan sa Philippine International Hospital subalit inideklara ng mga manggagamot na patay na ang naturang dayuhan.

Masusing sinusuri ang mga labi ng biktima upang mabatid ang dahilan at kung may naganap na foul play sa pagkasawi nito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGELES CITY

BRUSE MEECHAN

CAMP CRAME

FIELDS AVENUE

GUEVARRA

HEAVEN BAR

ISANG AUSTRALIAN

MARILYN GUEVARRA

PHILIPPINE INTERNATIONAL HOSPITAL

SANTOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with