^

Probinsiya

Ex-police wanted niratrat, 1 pa todas

-
CAVITE – Apat na bala ng armalite ang tumapos sa buhay ng isang dating pulis na umano’y wanted sa batas matapos pagbabarilin ng ’di kilalang mga lalaki habang isang kapitbahay nito na tinamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Pasong Camachile 2, sa bayan ng General Trias, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite PPO P/S Supt. Benjardi Mantele, kinilala ang biktima na si Anacleto Vergara, 59, may-asawa, habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Elmer Amistas 23, binata, factory worker at tubong Iloilo, kapwa residente ng Open Canal, Pasong Camachile 2 ng bayang nabanggit.

Sa ulat ni P/Supt. Gregorio Evangelista, hepe ng General Trias Police, dakong alas-8:25 ng gabi habang nasa kusina ang biktima nang basta na lamang pagbabarilin ito ng armalite sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dahil sa sunud-sunod na pagpapaputok ng mga suspek ay tinamaan ng ligaw na bala si Amistas na nagpapahinga ng mga oras na iyon sa labas ng kanyang bahay.

Nauna rito, nakipag-coordinate umano kay Evangelista, ang team leader ng Regional Intelligence Unit na si SPO3 Marasigan upang arestuhin ang napatay na biktima dahil pinaghahanap ito sa kasong murder.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa mabatid ng pulisya kung sino ang talagang may gawa sa pagpatay sa biktima dahil itinatanggi ng grupo ng RIU na sila ang nakapatay dito. Bago pa man umano sila dumating sa target area ay nakarinig na umano sila ng sunud-sunod na putok at nang madatnan nila ang biktima ay patay na ito. (Cristina Go Timbang)

ANACLETO VERGARA

BENJARDI MANTELE

CRISTINA GO TIMBANG

ELMER AMISTAS

GENERAL TRIAS

GENERAL TRIAS POLICE

GREGORIO EVANGELISTA

OPEN CANAL

PASONG CAMACHILE

REGIONAL INTELLIGENCE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with