^

Probinsiya

Bodega ng task force, ni-raid ng DENR

-
LUCENA CITY – Sa halip na magsagawa ng imbestigasyon sa nabunyag na illegal logging sa kabundukan ng Sierra Madre na sumasakop sa Real, Infanta,General Nakar ( REINA ) area sa first district ng Quezon, ni-raid ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at lokal na pulisya ang bodega ng Special Action Center ( SAC ) ng Task Force Sierra Madre, kamakalawa ng gabi sa Barangay Kumon, Infanta, Quezon.

Inaresto pa ng raiding team ang kumuha ng video footages sa Sitio Bangkuran, Barangay Pagsangahan, General Nakar, Quezon na si Joel Abrao at kinasuhan ng paglabag sa batas kalikasan, habang kinumpiska rin ang anim na bangka na nasa loob ng bodega.

Ang ginawang operasyon ng mga tauhan ng DENR sa bodega ng SAC ay sinasabing legal dahil sa ipinalabas na search warrant mula sa isang Judge Orias.

Subalit, ayon kay Fr. Pete Montalla, chairperson ng Task Force Sierra Madre na maliwanag na harassment ang ginawa ng mga tauhan ng DENR dahil walang nilalabag na batas ang SAC at ang task force ang unang-unang lumalaban sa mga iligalista sa kagubatan.

Ang SAC-Task Force Sierra Madre ay binubuo ng mga pari, madre, mga taong simbahan at mga environmentalist na tumutulong sa mga residente na sinalanta ng flashflood noong 2004.

Binanggit din ni Fr. Montalla na ang anim na bangkang kinumpiska ay kanilang binili at nakatakdang ibigay sa mga apektadong residente.

Binatikos ni Representative Raffy Nantes ang kawalang aksyon ng DENR sa ibinulgar ng Task Force Sierra Madre. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY KUMON

BARANGAY PAGSANGAHAN

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GENERAL NAKAR

JOEL ABRAO

JUDGE ORIAS

PETE MONTALLA

QUEZON

TASK FORCE SIERRA MADRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with