^

Probinsiya

Engkuwentro: 5 ASG tumba

-
CAMP CRAME – Limang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang kumpirmadong napaslang, samantalang apat namang sundalo ang nasugatan sa naganap na madugong engkuwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa liblib na bayan ng Tuburan, Basilan kahapon ng umaga.

Ayon kay Army’s 103rd Brigade Commander Brig. Gen. Raymundo Ferrer, dakong alas-5:15 ng umaga nang makasagupa ng kanyang mga tauhan ang mga bandido na nagkukuta sa Sitio Bohe Besey, Barangay Semot sa bayan ng Tuburan.

"These are remnants of the Abu Sayyaf who participated in the Dos Palmas kidnapping. They have been harassing our CAFGU [Citizen’s Armed Forces Geographic Unit]," ani Ferrer.

Gayon pa man, sinabi ni Ferrer na nabigo ang tropa ng militar na marekober ang mga labi ng limang napatay na bandido na hindi natukoy ang mga pangalan dahilan kinakailangang maisugod kaagad sa pagamutan ang apat na mga sundalong nasugatan sa bakbakan.

Nilinaw ni Ferrer na walang puwersa ng US troops na nagsasanay sa counterpart nitong mga sundalong Pinoy sa ilalim ng Balikatan RP-US joint military exercises sa bayan ng Tuburan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES GEOGRAPHIC UNIT

BARANGAY SEMOT

BRIGADE COMMANDER BRIG

DOS PALMAS

JOY CANTOS

RAYMUNDO FERRER

TUBURAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with