^

Probinsiya

Nene, ginawang sex slave ng mag-aama

-
LUCENA CITY – Maagang napariwara ang isang 11-anyos na dalagita matapos maging sex slave sa mahabang panahon ng kanyang sariling utol mag-aama sa Barangay Talim, Lucena City, Quezon.

Nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang biktimang itinago sa pangalang Myrna at kasalukuyang nasa grade 5 sa Talim Elementary School.

Nakapiit naman ngayon sa Talipan District Jail at sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Jomar Moreno, utol na panganay ng biktima; Virgilio Garcia, 45, padrasto ng una at ang anak nitong si Robinson,15.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng tanghali kamakalawa nang maaresto ng mga awtoridad ang mga suspek matapos magsumbong sa kanyang guro ang biktima at agad namang ipinagbigay-alam sa himpilan ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) ang insidente.

Batay sa salaysay ng biktima kay P/Chief Insp. Julios Mana, matagal na siyang pinagsasamantalahan ng kanyang amain at kinakapatid, hindi lamang siya makapagsumbong dahil sa takot na totohanin ang bantang papatayin siya.

Sa halip na tulungan ang biktima ng sariling kuya nang malaman nito ang ginagawang panggagahasa sa kanya ay pinagsamantalahan rin siya ng may ilang beses.

Lumabas sa pagsusuri ng medico legal sa biktima, lumitaw na may palatandaang hinalay nga ang dalagita. (Tony Sandoval)

BARANGAY TALIM

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JOMAR MORENO

JULIOS MANA

LUCENA CITY

TALIM ELEMENTARY SCHOOL

TALIPAN DISTRICT JAIL

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with