Lola kinatay ng lolo
February 11, 2006 | 12:00am
BULACAN Dahil sa tumangging magbigay ng pera na pambili ng alak ay pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 60-anyos na lola ng sariling mister sa naganap na karahasan sa Barangay San Juan, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktimang si Natividad Panganiban, samantalang nasakote naman ang suspek na si Felix Panganiban, matapos isagawa ang krimen dakong alas-9 ng gabi. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na humihingi ng pera ang suspek sa biktima para may pambili ng alak, subalit tinanggihan ito ng matanda hanggang sa magtalo ang mag-asawa na humantong sa pamamaslang. (Efren Alcantara)
CAVITE Pinagsasaksak hanggang sa mapaslang ang isang 29-anyos na mister ng sariling bayaw makaraang hindi makapag-remit ng pera sa pinagbentahang sako ng uling sa Barangay Lapadario saTrece Martirez City, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Manuel Mahilom 29, samantalang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Jeric Mahilom, kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 Benjamin Villanueva, nagkasagutan ang dalawa tungkol sa hindi pagreremit ng pera ng biktima hanggang sa humantong sa pamamaslang. (Cristina Timbang)
CABANATUAN CITY Tatlong tinedyer na pinaniniwalaang sangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo ang dinakma ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay Dicarma ng lungsod na nabanggit, kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Danilo Salazar,18, ng Barangay Sangitan West; Robert Loquiao,18; at Alvin Torres,19, kapwa naninirahan sa bahagi ng Barangay Dicarma. Nasamsam naman sa mga suspek ang kinarnap na motorsiklo na pag-aari ni Jay-Ar Valino, 21, ng Barangay Aduas Centro, Cabanatuan City. Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod na reklamo ng biktima sa himpilan ng pulisya. Sa follow-up operation ay agad namang nadakip ang mga suspek. (Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Cristina Timbang | 17 hours ago
Recommended