^

Probinsiya

Bus vs jeepney: 3 kabesa, 2 pa dedo

-
CAMP CAMP — Lima-katao kabilang ang tatlong barangay chairmen ang iniulat na nasawi ng makaraang magsalpukan ang isang school bus at jeep sa kahabaan ng highway na sakop ng Sitio Caukalan, Barangay Taloy Sur sa bayan ng Tuba, Benguet kahapon ng madaling-araw.

Base sa ulat ng Office of Civil Defense, kinilala ang mga biktimang namatay na sina Joseph Sir, 41, barangay chairman sa Camp 1 sa bayan ng Tuba, drayber ng jeep at pasaherong si Pepe Tada, 42, kapwa dead-on-the-spot sa insidente.

Binawian naman ng buhay habang ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center sina Johnson Almeda, 58, barangay chairman ng Camp 4, Jose Liwan, barangay Chairman ng Ansagan, Tuba at Richard Abanse.

Nabatid na bandang alas-4:30 ng madaling-araw habang bumabagtas sa pakurbada at matarik na highway ang jeepney na sinasakyan ng mga biktima nang aksidente sumalpok sa kasalubong na school bus (TWL-339) ng Ramon Magsaysay Technological University (RMTU).

Ayon kay OCD chief na si Vicente Tomazar, ang school bus na may lulang 39 estudyante mula Zambales ay patungo sa famous Ambuclao Dam sa bayan ng Bukod, Benguet para sa study tour nang mawalan ng preno at salpukin ang kasalubong na jeepney na kinalululanan ng mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga ay halos napisa ang katawan ng mga nasawing biktima na sakay ng jeepney.

Samantala, ilan namang estudyante ng RMTU ang nasugatan, bagaman di naman gaanong grabe sa naganap na banggaan at mabilis na isinugod sa nasabing ospital. (Joy Cantos At Artemio Dumlao)

vuukle comment

AMBUCLAO DAM

BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BARANGAY TALOY SUR

BENGUET

JOHNSON ALMEDA

JOSE LIWAN

JOSEPH SIR

JOY CANTOS AT ARTEMIO DUMLAO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PEPE TADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with