Kawani ng city hall tinodas sa traysikel
February 9, 2006 | 12:00am
GAPAN CITY, Nueva Ecija Isang 35-anyos na kawani ng Gapan City Hall ang kumpirmadong napaslang makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang sakay ng traysikel kasama ng kanyang dalawang anak sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Bayanihan ng nabanggit na lungsod, noong Miyerkules ng gabi.
Ilang bala ng baril ang tumama sa ulo ng biktimang si Edwin Garcia y Peralta ng Purok 2 sa Barangay Pambuan, Gapan City.
Kinilala naman ni P/Supt. Arnel Santiago, hepe ng pulisya sa Gapan City, ang isa sa tatlong suspek na pinaniniwalaang responsable sa pamamaslang kay Garcia na si Patricio Sta. Maria ng Tondo, Manila, habang inaalam pa ang mga pangalan ng dalawa pa niyang kasama sa krimen.
Nabatid na dakong alas-6:35 ng gabi, kamakalawa habang pauwi na ang mag-aamang Garcia sakay ng traysikel nang biglang lumampas ang isang motorsiklong may lulang tatlong kalalakihan.
Pinuntiryang pagbabarilin ng isa sa tatlong sakay ng motorisklo ang biktima hanggang sa duguang bumulagta habang ligtas naman sa tiyak na kapahamakan ang dalawang anak.
Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa tatlong suspek at nangangalap ng impormasyon para maresolba ang nasabing krimen. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest