Tiyuhin tinodas ng pamangkin
February 8, 2006 | 12:00am
CAVITE Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 62-anyos na lalaki ng kanyang pamangkin makaraang nagkasalubong ang dalawa sa bahagi ng Barangay Tapia sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa. Naisugod pa sa ospital, subalit idineklarang patay ang biktimang si Nasario Villanueva, samantalang tumakas naman ang suspek na si Rodrigo Nombrano, 29, ng nabanggit din barangay. Ayon kay PO2 Jojit Ramos, huling namataan ang biktima na pinagagalitan ang suspek na pinaniniwalaang lango sa bawal na gamot at posibleng nagalit kaya isinagawa ang krimen. Napag-alamang bago mamatay ang biktima ay nasambit pa nito ang pangalang ng suspek. (Cristina Timbang)
NUEVA ECIJA Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang nasa listahan ng mga most wanted person ang inaresto ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa bayang sakop ng Nueva Ecija, kamakalawa. Kalaboso ngayon ang mga suspek na sina Dennis de Lara, 25, ng Purok 4, Barangay Liwayway, Sta. Rosa, Nueva Ecija at Michael Mangulabnan,19, ng Barangay Sta. Rita, Cabiao, Nueva Ecija. Ayon kay P/Supt. Roel Obusan, PIIB chief, unang naaresto sa sariling bahay si Mangulabnan sa bisa ng warrant of arrest ni Judge Dorentino Ploresta ng Gapan City Regional Trial Court, Branch 35. Si Torres naman ay nasakote rin sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Evelyn Querijero ng Cabanatuan City Regional Trial Court, Branch 26 sa kasong child abuse na may recommended bail na P120,000. (Christian Ryan Sta. Ana)
BULACAN Isang 11-anyos na babaeng estudyante ang kumpirmadong nasawi makaraang mabundol ng kotse sa kahabaan ng lansangang sakop ng Barangay Palimbang sa bayan ng Calumpit, Bulacan, kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa Bulacan Provincial Hospital ang biktimang si Melissa Borja, grade 5 pupil sa Marcos Elementary School at naninriahan sa nabanggit na barangay. Sa pagsisiyasat ni SPO1 Manuel Clemente, biglang tumawid ang biktima mula sa nasabing eskuwelahan, kaya naman hindi agad naipreno ng drayber na si Oneil John Baluyot, ang minamanehong Toyota Revo na may plakang XSN-558 at nahagip ang bata. Agad namang isinugod sa ospital ni Baluyot ang biktima, subalit hindi na umabot pa ng buhay. (Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest