^

Probinsiya

Aquino, idineklarang mayor ng Tanauan City

-
BATANGAS – Nabigo ang En banc Division ng Commission on Elections (Comelec) na baligtarin ang naunang desisyon ng Second Division noong nakaraang taon na nagdedeklara kay Sonia Torres Aquino bilang tunay na nanalong alkalde ng Tanauan City, Batangas.

Ito’y matapos na magkaroon ng ‘‘dead-locked" ang six-member Commission noong Huwebes sa botohan, kaugnay sa motion for reconsideration na inihain ni Alfredo Corona, na humihiling na bawiin ang kautusan ng Second Division na nagpapatalsik sa huli bilang mayor ng Tanauan City.

Sina Chairman Benjamin Abalos at Commissioner Florentino Tuazon Jr. bumoto pabor sa nasabing mosyon habang sina Commissioners Mehol Sadain at Rufino Javier ay tumutol. Nag-inhibit naman sina Commissioners Resurrecion Borra at Romeo Brawnes.

Base sa Rules and Producer ng poll body, kinakatigan nito ang naipalabas na orihinal na desisyon at binabasura naman ang lahat ng mosyon o iba pang bagay na humihiling na baligtarin ito kapag nagkaroon ng deadlocked votes ang Commission en banc sa appealed cases.

Ayon kay Atty. George Erwin Garcia, counsel ni Aquino, pormal na nilang inabisuhan ang COMELEC, kaugnay sa pag-assume ng huli sa posisyon bilang mayor ng Tanauan City kahapon.

Si Aquino ay idineklarang tunay na nanao sa nakaraang eleksyon matapos na lumitaw sa pagsusuri ng Comelec Second Division na nakakuha ito ng botong 27,482 kumpara kay Corona na may 24,482 votes o kalamangan na 3,102 boto.

Sa ginawang recount, nadiskubre ng poll body ang libu-libong balota na pawang mga dinoktor o gawa ng iisang tao lamang bukod pa sa marami sa mga ito ang peke o hindi official ballot na ipinagagamit sa nakaraang halalan. (Doris Franche)

ALFREDO CORONA

COMELEC SECOND DIVISION

COMMISSIONER FLORENTINO TUAZON JR.

COMMISSIONERS MEHOL SADAIN

COMMISSIONERS RESURRECION BORRA

DORIS FRANCHE

GEORGE ERWIN GARCIA

ROMEO BRAWNES

SECOND DIVISION

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with