^

Probinsiya

Police chief sibak dahil sa jueteng

-
LEGAZPI CITY – Isa na namang hepe ng pulisya sa bayan ng Guinobatan, Albay ang sinibak sa puwesto makaraang mapatunayan ng mga tauhan ng Anti-Illegal Gambling Task Force na may operasyon ng jueteng sa Barangay Mauraro ng bayang nabanggit, kahapon ng umaga.

Tinamaan ng one strike policy ng PNP, si P/Senior Inspector Rico Nocellado matapos na madakip ng mga tauhan ng task force mula sa Camp Crame ang mga suspek sa jueteng na sina Baby Mercado, 46; Ruben Olivera, 64; Jesus Orogo, 40; at Arthur Ordan 48.

Ayon kay P/Senior Inspector Ignacio Jose Licud, team leader ng grupo ng AIG-SOTF naitala ang pagsalakay sa bolahan ng jueteng dakong alas-11:45 ng umaga matapos na makumpirmang may operasyon ng sugalan sa nabanggit na barangay.

Narekober sa operasyon ng jueteng ang mga materyales na ginagamit sa bolahan at hindi pa nabatid na halaga na pinaniniwalaang pambayad sa mananalo ng sugal.

Nabatid na ang operasyon ng jueteng sa nabanggit na bayan ay nagsimula pa noong Disyembre 2005 kung saan ginaganap ang bolahan sa mga liblib ng barangay upang hindi maamoy ng mga awtoridad. (Ed Casulla)

ALBAY

ANTI-ILLEGAL GAMBLING TASK FORCE

ARTHUR ORDAN

BABY MERCADO

BARANGAY MAURARO

CAMP CRAME

ED CASULLA

JESUS OROGO

RUBEN OLIVERA

SENIOR INSPECTOR IGNACIO JOSE LICUD

SENIOR INSPECTOR RICO NOCELLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with