Akusado sa krimen tinodas sa harap ng pamilya
January 30, 2006 | 12:00am
GUMACA, Quezon Patay agad ang isang 23-anyos na lalaki na may kinakaharap na kaso sa hukuman matapos na barilin ng isang hindi nakikilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad na kasama ang asawat anak sa Purok Maligaya, Barangay San Vicente ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Alvin Malasmas, may kasong robbery w/ homicide na nakabinbin sa Municipal Trial Court.
Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Wilfredo Borgonia, dakong alas-9:15 ng gabi ay naglalakad sa pathway ang biktima at kanyang asawat 4-anyos na anak na lalaki, mula sa panonood ng TV sa kapitbahay.
Hinarang umano sila ng suspek na nakasando at bullcap at pagkakita sa biktima ay walang sabi-sabing pinaputukan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo sa pamamaslang at ang pagkakakilanlan sa salarin. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest