Killer ng reporter kinasuhan
January 24, 2006 | 12:00am
MORONG, Bataan Kinasuhan na ng Bataan PNP ang isa sa apat na kalalakihan na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang reporter ng lokal na pahayagan noong Sabado ng hapon sa Sitio Panibatuan, Morong, Bataan.
Sinabi ni P/Supt. Arnold Gunacao, deputy provincial director, isinampa na sa korte ang kasong murder laban sa suspek na si Nestor Nazareno na pinaniniwalaang miyembro ng breakaway group ng Rebulusyunaryong Hukbo ng Bayan (RHB) at nakatira sa Barangay Poblacion sa bayan ng Morong.
Napag-alamang si Nazareno ay matagal na umanong tinanggal sa grupo ng RHB at may nakabinbing mga naunang kaso sa Bataan Regional Trial Court.
Kasalukuyang may dalawang testigo ang pulisya na positibong kumilala sa suspek na bumaril at nakapatay sa biktimang si Graciano "Gary" Aquino, 40, kolumnista sa local na pahayagang Central Luzon Forum sa Bataan at naging dzRH volunteer ng Operation Tulong.
Ayon kay P/Supt. Anselmo Baluyot, hepe ng pulisya sa bayan ng Morong, na isa sa anggulong sinisilip ay love triangle. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 26 minutes ago
By Cristina Timbang | 26 minutes ago
By Tony Sandoval | 26 minutes ago
Recommended